Paano nga ba kumita sa pag-bablog?

Malamang kaya ka naririto ay curious ka kung papaano nga ba kumita sa pagba-blog or dahil na-curious ka sa post ko sa Facebook hehehe. Actually ang tagal ko nang gustong gumawa ng article about dito hindi ko lang magawa kase tingin ko hindi naman talaga ako expert dito, pero dahil nagtatanong kayo tapos paulit-ulit na lang akong nagpapaliwanag eh heto na.. 




Paano nga ba kikita sa blog?


Unang-una dapat may blog ka. Iba ito sa video blogging (vlogging) ha, na gumagamit ng Youtube, website ito.  Kung sa tingin mo yung blog mo eh maraming viewers o readers pwede mo na syang i-register sa Google Adsense, isa lamang iyan sa mga Ad Networks na pedeng pag registeran o pag applyan para magkaroon ng Ads ang blog mo para magkaroon ng earnings o yung tinatawag na Earn Money from Website Monetization. Once na maapprove ang blog mo kay Google Adsense pwede ka nang kumita.



Paano kung wala pa akong blog?


Pwede kang gumawa ng blog gamit ang mga platform na ito (ito ay ayon lamang sa alam ko): Wordpress at Blogger.

Kung nagsisimula ka pa lang, siguro magsimula ka muna sa Blogger, ito din ang gamit ko para sa blog kong ito mjtvillaflor.blogspot.com. Bukod sa free ay mas nadalian akong gamitin ito at higit sa lahat nung ni-register ko kase sa Google Adsense ay hindi na ako gumastos para bumili ng Domain Name, magiging mjtvillaflor.com kung ibibili ko. Noon kase kahit naka blogspot lang (mjtvillaflor.blogspot.com) ay tinatanggap na ng Google Adsense (hindi ako sigurado kung ganun pa rin nga ba ang kalakaran ha tagal ko na kaseng nag apply sa adsense eh 2014 pa). Hindi gaya ng ibang platform kailangan mo muna ibili ng domain name.



Ano naman ang iba-blog ko?


Magsimula ka muna sa personal blog gaya ng blog kong ito mjtvillaflor.blogspot.com para maging pamilyar ka muna sa platform na napili mo. Kapag gamay na gamay mo nang gamitin saka ka gumawa ng blog na hindi ka mauubusan ng topic na isusulat o yung blog na magiging source na ng pangkabuhayan nyo hehehe joke lang. Maraming pwedeng i-blog kung mahilig kang mag-luto, mag-travel o bumili ng mga gamit online tapos mag susulat ka ng reviews pwede din. 



Paano ako magba-blog?


Oh heto na nga punta ka lang sa blogger.com tapos pwede ka nang mag sign-in kung may Gmail account kana, click mo lang yung SIGN IN or CREATE YOUR BLOG.



Sa part na ito ilalagay mo ang naisip mong title ng iyong blog hindi ng blog post ha, pangalan ng entire blog mo, yung sakin diba Halfblood Princess ang name ng blog ko. Pwede mo naman yun palitan kung hindi ka pa sigurado sa nailagay mo. Tapos click mo lang yung susunod.


So ngayon ay pipili ka naman ng URL para sa blog mo, mas magamda kung ano yung title ng blog mo ay yun din ang URL mo. Yung akin iba, hindi na kase available ang halfbloodprincess.blogspot.com may mas nauna na sa'king gumamit non kaya ang nagamit ko na lang ay mjtvillaflor.blogspot.com, pero mas maganda kung magkapareho talaga.

Tapos display name. Yan naka gawa kana yehey!


Ayan pwede ka nang mag sulat ng kauna-unahan mong blog post hehe Good luck!




Kikita na ba ako sa blog?


Hindi pa, kailangan mo munang magsulat nang magsulat kahit mga hanggang 20 articles at lagyan mo ng Privacy Policy Page ang blog, Disclaimer, About Us, Contact Us at Sitemap search mo na lang kung ano ang mga iyan.

Then, kung sa tingin mo ay may mga traffic na, may mga nagbabasa na, pwede mo nang i-apply sa Google Adsense, follow mo lang ang link na ito: https://www.google.com/intl/tl_ph/adsense/start/

Then tap mo lang yung 'MAGSIMULA' tapos fill-up na!




Tandaan hindi madaling mag-apply jan, maaaring madisapprove o mareject ang blog mo. Malalaman mo naman kung bakit hindi naapprove, mag-eemail sila. Sundin mo lang yung instructions nila, kung ano pa yung hinihingi nila, tapos apply ulit.

Ako noon ilang beses ding nareject pero hindi ako tumigil sa pag susulat hanggang sa naapprove ako noong March 2014 yata yun kung di ako nagkakamali.





So paano ba kumikita yung blog?


Okay pagpalagay natin na naapprove kana sa Adsense. Ngayon ay magkakaroon na ng ads ang blog mo. Pero hindi porke may ads na ang blog mo eh kikita kana, so dapat may nagbabasa din o may nakakakita ng ads mo kung baga. Di ako sure sa term ko ha pero ito yung pagkakaintindi ko, pag dami ng traffic sa blog, pag laki ng earnings mo. Pero mas malaki kita mo kapag kinilick ng readers/viewers yung ads na nasa blog mo.

Kung may nakita kang entity dito sa blog ko na may maliit na symbol na i at x sa sulok, ayun ads yun, hehe...





Paano nakikita ng mga viewers/readers ang blog ko?


Pamilyar ka naman siguro sa search engine di ba? Okay, halimbawa Google Chrome, nag search ako ng Recipe ng Caldereta tapos ang blog mo ay about sa pag luluto. Maaring lumabas sa search result yung blog mo kung may naisulat kang Recipe ng Caldereta, tapos binuksan ko yung link na lumabas, yun ganon, gets ba? hahaha!



Mai-share ko lang...


Balik tayo dun sa napprove na yung blog ko kay Adsense, basta naka ilang apply yata ako nun eh, tas yun nga naapprove na naawa din hehe. Hindi agad kumikita ang blog ko non hanggang nag April 2015 dun ko lang na meet ung $100 na monthly threshold, biruin mo isang taon bago ko na meet yung month threshold. Dapat kase maka $100 dollar ka bago ka magka payment, tapos makukuha mo yun sa susunod na month.

Every 21st of the month nagi-issue ng payment pero since nauuna lagi tayo (Pilipinas) every 22nd of the month nai-issue satin kaya May 2015 ako sumahod nasa $108.94 yun.









Ito yung kauna-unahan kong sahod sa pagba-blog. Kinuha ko yun sa Western Union, yun ang pinili kong payment method noon.


Bago-bago pa kase ang blog ko noon kaya mababa pa talaga ang earnings hanggang sa pagdaan ng mga araw lumalaki na ang blog ko, maramirami naring articles na na-published at marami na ring followers, kaya lumalaki na rin ang earnings ko, yung dating kada tatlong buwan ko bago maabot ang $100 threshold ay naging buwanan na lang, meron ngang lumalagpas pa sa $100 hehe thank you Lord.

Nung nagamay ko na ang pagba-blog, gumawa pa ko ng ibang blog na sa tingin ko ay magkakaroon talaga ng interes ang mga tao, yung sa bawat paglipas ng panahon eh buhay pa din. Kaya awa naman ng Diyos kahit papaano ito talaga yung bumubuhay sa aming pang araw-araw hehe drama!

Payo lang ha, huwag mo agad isipin yung kikitain dahil madidismaya ka talaga sa una, matyaga at pasensyoso ka dapat. Ang lahat ng bagay ay pinag hihirapan walang nadadaan sa shortcut.

TIPS: Gawa ka rin ng Facebook page, Twitter at iba pang Social Media account ng blog mo, para kahit papaano pwede ka makakuha ng traffic gamit ang mga ito.


Post a Comment

0 Comments